Kabihasnan sa Mesopotamia
Ang Mesopotania ay isang silibisasyon.Ang mesopotania ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay pagitan at potamos o ilog,Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog.May dalawang ilog na dumadaloy sa Mesopotamia ito ang ilog Tigris at ilog Euphrates.Tigris napupunta tuwid sa Iraq habang ilog ng Yuprates tumatagal ng isang ruta sa loob Syria bago pagpunta sa Iraq.Ang dalawang ilog ay nag-iiwan ng matabang lupain at mainam na patubig,bahagi ang Mesopotamia sa tinatawag na Fertile Crescent na mga lupain sa Kanluran Asya.Ang lambak-ilog ng Mesopotamia ay napapalibutan ng Kabundukang Taurus sa hilaga,Kabundukang Zagros sa Silangan,Disyerto ng Arabia sa Timog at sa Golpo ng Persia sa Timog Silangan ng Mesopotamia.
Heograpiya
Ang mga Unang Imperyo
Akkadian
Dulot ng
madalas na pakikidigma ng mga lungsod-estado ng Sumer sa isa t
isa,humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kani-kanilang mga
teritoryo.Dahil dito,unti-unting nasakop ang mga lungsod ng Sumer ng
kaharian ng Akkad na pinamunuan ni Sargon the Great.Sa ilalim ng
pamamahala ni Haring Sargon,lumawak ang sakop ng Akkad at kinilala
bilang unang imperyo.Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon at
pagkatapos ay nagkawatak-watak muli ang mga nasakop na bayan.
Busto ni Sargon the Great
Babylonian
Sa pagsapit naman ng 2000BCE,isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia.Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon(nangangahulugang pintuan ng langit).Sa pagitan ng mga taong 1792 hanggang 1750BCE,nakamit ng imperyong Babylonian ang rurok ng kapangyarihan sa ilalim ng pamumuno ni Hammurabi.Makalipas ang dalawang siglo,nabuwag ang imperyo dahil sa pananalakay ng mga mananakop na pastoralistang nomadiko.
Assyrian
Mula naman 850 hanggang 650BCE,sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia,Egypt,at Anatolia.Isinaayos nila ang kanilang nasasakupan sa isang imperyo.Ang mga lupaing malapit sa Assyria ay ginawang lalawigan at ang mga kaharian na kaalyado ng imperyo ay pinangalagaan ng hukbong Assyrian laban sa mga kaaway at mananalakay.Pagsapit ng 612BCE,tuluyan nang nagwakas ang imperyo ng mga Assyrian nang talunin ito ng puwersa ng mga Chaldean at ibang kaanib na kaharian.
Chaldean
Sa pagkatalo ng mga Assyrian,itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon.Muling naging sentro ng bagong imperyo ang lungsod ng Babylon makalipas ang mahigit 1000 taon nang una itong maging kabisera sa pamumuno ni Hammurabi.Naging tanyag na hari ng mga Chaldean si Nebuchadnezzar.Ito ay dahil sa pinagawa niyang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World.Ito ay isang bai-baitang na hardin na alay para sa kaniyang asawa na si Reyna Amyitis.Pagsapit ng taong 586BCE,nasakop ng mga persyano ang kaharian ng mga Chaldean.
Hanging Gardens ay itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World
Relihiyon
Mga paniniwalang diyos ng mga Sumeryano.Ang mga Sumeryano ay maituturing na may politiestikong
pananampalataya.Ito ay dahil pinaniniwalaan nilang pinamamahalaan ng
mahigit 3000 diyos ang ibat ibang aspekto ng kanilang buhay.Ang
pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si Enlil,ang diyos ng hangin at ng
mga ulap.Si Shamash naman ang diyos ng araw na nagbibigay ng
kaliwanagan at si Inanna ang diyosa ng pag-ibig at digmaan.Ang
pinakamababa naman sa antas ng mga diyos ay ang masasamang Udug na
pinaniniwalaan nilang tagapaghatid ng sakit,kamalasan,at gulo.
Kabihasnan sa Egypt
Lokasyon at Heograpiya
Natatangi ang lokasyon ng Egypt sapagkat napalilibutan ito ng mga disyerto.Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai,sa timog naman ay ang Disyerto ng Nubia,at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara.Sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsiyo.Gayunpaman,nakararanas din ang mga Ehipsiyo ng taggutom kung hindi sapat ang pag-apaw ng Ilog Nile at pagkasira naman ng pananim at kabuhayan kung labis ang pagbaha.
Ang pinakamalaking pyramid na itinayo ni cheops na tinatawag na HIEROGLYPHICS
Ang pinakamainit na disyerto ay ang sahara desert.
Ang pinakamalaking pyramid na itinayo ni cheops na tinatawag na HIEROGLYPHICS
Ang pinakamainit na disyerto ay ang sahara desert.
Ang mummification ay proseso ng pag embalsamo ng katawan ng patay upang hindi mabulok.
Ang Piramide ni Khufu at ang mahiwagang Sphinx ay isa sa mga tanyag na tanawin sa Egypt
Kabihasnan sa India
Heograpiya
Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus.Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush,Karakoram,at Himalaya na pinagmumulan ng tubig ng ilog.Pinagigitnaan naman ng Disyerto ng Thar sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang matabang lupain na pinamahayan ng mga tao.Nakalatag ang kanilang mga gusali sa planong grid system.Ang grid system na disenyo ng lungsod ng Monhenjo-Daro
Ang nagturo ng Buddhismo sa India ay si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya na naghari sa kapilavastu na matatagpuan sa kaksalukuyang Nepal.
Ayon sa mga nanalig ng Jainismo,lumitaw sa mundo sa magkakaibang panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa karma
Ang larawang ito ay ang Imperyong Maurya
Ang larawang it ay ang Imperyong Gupta
Kabihasnan sa China
Ilog Huang Ho Ilog Yangtze
Sa lambak sa pagitan mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China.
Yu
Pinag-isa ng dinastiya Hsia ang mga pamayanan sa paligid ng Huang Ho.Ang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko.
Shang
Ang dinastiyang Shang ang pumalit sa dinastiyang Shia noong 1500 BCE. May tatlong pangunahing katangian ang paghahari ni Shang una ay ang pag-uumpisa ng pagsulat, kaalaman sa paggamit ng bronse at ang pag-aantas sa lipunan.
Zhou
Napatalsik ni Zhou ang dinastiyang Shang. Ginamit nila ang konsepto ng "Tian Ming" o
ang mandato ng langit upang mapatibay ang kanilang pamamahala at ang
kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo. Ang siklo ng pagtatag,
pagbagsak at pagpapalit ng dinastiya ayon sa mandato ay tinaguriang
siklong dinastiko (dynastic cycle). Nagsimula ang siklong dinastiko sa
kaguluhan tulad ng kalamidad, rebelyon, o pagsalakay sa ilalim ng
pamumuno ng matandang dinastiya. Pagsapit ng 300BCE,nagsimulang mawala ng kontrol ang dinastiyang Zhou sa mga lalawigan at namayani ang malalakas na warlord.
Qin
Ang dinastiyang
Qin ang pumalit sa dinastiyang Zhou. Ang pinuno nila ay si Qin sa
sarili na Shi Huangdi na ang ibig sabihin ay unang emperador. Layunin
nila na maging matapang ang bagong dinastiya kaya inutos ni Shi Huangdi
na ang lahat na maharlikang pamilya sa bawat estado sa buong China na
manirahan sa kabisera ng imperyong Xianyang. At ang estado ay hinati sa
36 na distrito.
Iba Pang Kabihasnan sa Asya
Ang mga Phoeniciano,kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko,ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo.Mahuhusay silang manggagawa ng barko,manlalayag,at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon,Tyre,Beirut,at Byblos.
Sa malawak na
talampas sa Iran, nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia.
Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo- Aryano. Ang salitang persyano
ang galing sa salitang Persis, bansag na mga Griyego sa lugar na
iyon. Sumailalim sa makapangyarihang imperyo ang Assyria ng Persia
hanggang sa taong 621 BCE. Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawakang
imperyo ng Persia.
Ang mga Mga Kabihasnan sa Amerika
Olmec ang tawag
sa mga taong goma sa mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo
ng Mexico. Ang kabihasnan ng Olmec ay ang base culture ng America dahil
ang mga Olmec ay nakaimbento at nakalikha ng mga kasangkapan at kaalaman
na kagamitan para sa sunod na kabihasnan. Nakasentro sa relihiyon ang
buhay ng mga Olmec. Nagpatayo ang kanilang mga pinuno ng mga templo na
hugis piramide at sa tuktok ng templo ay nagaganap ang mga sermonyang
panrelihiyon. Isa pang paraan ng mga Olmec sa pagsamba ng kanilang mga
diyos ay ang paglalaro ng bola na goma. Isa itong seremonya na
maglalaban ang dalawang pangkat ng manlalaro sa isang ballcourt.
Ang Teotihuacano
ay matatagpuan sa lambak ng Mexico at tinaguriang "Lupain ng mga
Diyos". Kilala bilang unang lungsod ng America ang Teotihuacano. Naging sentro din ito ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero. Payapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano
na nakasentro sa relihiyon, pagsasaka, at kalakalan. Pinapalamutian ng
mga guhit ng ibon, jaguar at nagsasayawang mga diyos ang kanilang mga
tahanan. Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent. Si
Quetzalcoatl ang nagbigay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka, pagsusulat,
paglikha ng kalendaryo at iba pa. Ang pangunahin sa kanyang kautusan ay
ang patungkol sa kapayapaan, kababaang loob at pagmamalasakit sa kapwa.
Sumibol ang
kabihasnan ng mga Mayan sa pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga
sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos. Mula rito lumaki na ang
pamayanan at naging lungsod na kinabibilangan ng Tikal,Copan, Uxmal, at
Chichen Itza na matatagpuan sa Mexico at Gitnang America. Ang Mayan ay
nahahati sa apat na antas ng lipunan. Ang pinakataas ay ang mga
maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod. Halach Uinic ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo. Kaagapay Halach Uinic ang ilang mga maharlika sa paglikom ng buwis at pagsasaayos ng pambublikong gusali at kalsada.Mga alipin
Sa hilagang
Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na
Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa
lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa Tenichtitlan,
unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian. Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga pinuno.Ito ay sa pamamagitan ng mga tao na isasakripisyo sa mga diyos,pagkain,tela,at kasangkapan.
Sa south
america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking
bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong ito ay ang Inca. Sa maliit na
pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula ang mga Inca. Sa pamumuno ni
Pachacuti Inca, limawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang
imperyo. Naging matagumpay ang inca sa pagpapalawak ng kanilang
teritoryo dahil sa natatangi nilang paraan at pakikidigma.Ang imperyong ito ay tinatawag na Inca.
Kabihasnan sa Africa
Sa mahigit 2000 taon,napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia(ngayon ay Sudan)na matatagpuan sa katimugan ng Ilog Nile.Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush.
Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solom ng Israel. Matatagpuan ang kaharian ng Aksumite sa hilagang-silangan bahagi ng Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan napanatili nika ang kapangyarihan. Ang baybayan ng Aksum ay nagsilbing daungan ng mga barko ng mga mangangalakal. Ipinag-utos ni Haring Ezana na sakupin ang lupain ng Yemen upang sa paghahangad na mapalawak ang kaharian ng Aksum. Sunod, ay sinakop nila ang Kush at makalipas ng 20 taon ay sinunog nila ang lungsod ng Meroe.
Ang mga Imperyong Pangkalakalan
Soninke ang
tawag sa mga mamamayan ng Ghana. Pagsasaka at pagpapanday ang
pangunahing ikinabubuhay nila. Ang teritoryo ng Ghana ang tanging rutang
dinaraanan ng mga caravan ng ginto mula sa Wangara sa Mali at asin na
mula naman sa hilagang disyerto.
Lumitaw ang
Mali mula sa anino ng Ghana. Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si
Sundiata. Nasakop niya ang kaharian ng Ghana at ang mga lungsod ng kumbi
at walat sa pamamagitan ng digmaan. Isa pa sa mga kinikilalang
pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa. Katulad ni Sundiata,
naging mahisay siya sa pamamahala at pananakop.Taong 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali na mula sa anino ng Ghana.
Bumuo ng isang
hukbo ang mga Songhai, na nagpalawak ng teritoryo at mula kabisera ng
Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. Ang natatanging pinuno
ng Songhai ay si Sunni Ali. Bumuo si Sunni Ali ng isang hukbo na may
mga barkong padigma at mga sundalong kabayuhan dahil taglay nya ang
kaalamang militar at agresibong pamumuno. Sinakop niya ang Timbuktu, Gao
at Djene na sentro ng kalakalan sa Africa. Ang kanyang paghahari ay
tumagal hanggang 30 taon at pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng
kaalaman at kulturang Muslim sa Africa.Pagsapit ng ika-14 na siglo,isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali.
Kabihasnan sa Pasipiko
Binubuo ng
mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand
ang Polynesia. Polynesia galing sa katagang Griyego na polus na nangangahulugang "marami" at nesos na ngangahulugang "pulo". Sakop nito ang teritoryo sa Hawaii sa hilagang-silangan,patungo sa Easter Island sa timog-silangan,at sa New Zealand sa kanluran.Dito makikita ang mga pulo na tulad ng Fiji,Samoa,Tonga,at Tuvalu.
Bahagi pa rin ng Pasipiko ang Micronesia ito ang pinakamalapit sa Pilipinas. Galing ito sa salitang griyego na mikros na nangangahulugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Matatagpuan ang Micronesia sa silangan. Sakop ng Micronesia ang mga pulo ng Guam,Northern Mariana Islands,Kiribati,Palau,Federated States of Micronesia,Marshall Islands,Nauru,at Wake Islands.
Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Galing din sa salitang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nangangahulugang "mga pulo". Tinitirahan ng mga taong maitim ang balat.Sakop ng Melanesia ang mga pulo ng New Guinea,New Caledonia,Solomon Islands,Bismarck Islands,Norfolk Islands,Flores Island,Nauru,Sumba,at ang pulo ng Timor (na kinakatawan ngayon ng West Timor na bahagi ng Indonesia at ng bansang Timor-Leste).